{FOLLOW} | {DASHBOARD} | VISIT'S
History..;

HELLO FELLAS , WELCOME TO HISTORY BLOG. I LIKE TO SHARE SOME STUFF TO MY FOLLOWERS . I LOVE ALLAH And PROPHET NABI MUHAMMAD . I LOVE MY FAMILY AND FRIENDS . I ALSO LIKE KOREAN I DON'T USE FOLLOW YOU , FOLLOW BACK OKAY ? Enjoy !


Thank You ;
DON'T OPEN MY PAGE SOURCE! YOU HAVE A BRAIN ? BE YOUR SELF .
Pictures; Weheartit and Tumblr.
Basecode By; Ken
Skin By; Kai

Sa bingit ng isang paalam
Posted On Wednesday, June 6, 2012 @ 1:42 AM by Anne | Comments To This Entry
Isang simpleng pagbati ang nagsimula ng lahat ng ito. Isang "Hi" mo sa akin nung minsang nakaabot tayo ay umabot sa araw-araw na pag-uusap, araw-araw na pagtetext, araw-araw na pagsSkype, ah, basta, araw-araw. Naging malaking parte ka ng buhay ko.

Nung una, inaasar-asar lang tayo ng mga kaibigan natin. Ginagawan nila ng issue yung pagiging mabait, at 'sweet' natin sa isa't-isa. Sweet ba yung tawag sa laging nagbabangayan, nagkukulitan, nag-aasaran, nagmumurahan, pero at the end panay sorry sa isa't-isa at idadaan sa tawa? Kung oo, sige, edi sweet nga.

Naalala ko pa noon, araw-araw kang unli tapos pipilitin mo akong mag-unli rin para may kausap ka, kapag expired naman unli mo tapos hindi mo ako mareplyan, pipilitin mong makigamit ng WiFi sa kapitbahay niyo, kukulitin mo pa ako para magSkype tayo, or kukulitin mo ako para sumama sa TinyChat niyo. Minsan pa tinanong mo ako kung ano yung mga gusto kong kanta, hindi ko lang alam na kakantahin mo pala yun sa TinyChat, nagtampo ka pa nga sa akin nun kasi ayoko talagang sumama sa inyo. Gumagawa ka ng piano cover ng mga kantang gusto ko at sabi mo sa akin, sa birthday ko, reregaluhan mo ako ng kanta na ikaw mismo yung nagcompose. Dumating din yung mga panahong nag-iiyakan tayong dalawa kasi papaiyakin mo ako tapos hindi ko alam, pinapaiyak na rin pala kita. Kapag nag-aaway tayo at alam mo talagang hindi ko na gusto yung mga nangyayari, susuyuin mo ako. Nung nanghingi ako ng tatlong dahilan sa iyo para patawarin kita, na-touch ako ng sobra dun. Yun lang yung unang beses na may gumawa sa akin ng ganoon. Mapang-asar, pero napakasweet. Too bad, that'll be the last.

Nung nag-away tayo, kahit ako yung may kasalanan, sobra-sobra akong nasaktan. Hindi ko kasi akalain na dadating yung time na susukuan mo ako at bibitawan rin kita. Galit na galit ako sayo kasi hindi ko akalain na hinayaan mo lang na ganun yung gawin ko. Nasanay kasi ako na kahit ilang beses kitang itulak palayo, babalik at babalik ka sa akin. Sinanay mo ako eh. Minsan naiisip ko, kung hindi ko ba ginawa yun, nandito ka pa rin, hindi mo ako iiwan? Ang sakit-sakit kasi isipin na something so beautiful turned out to be something like this. Alam mo, miss na miss na kita. And there never come a time na tuwing naaalala kita, nakakasurvive akong hindi umiiyak. Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Na forever tayo? Anong nangyari dun?

Ngayon, umaasa ako na sa simpleng pagbati, bumalik ulit ang lahat. Pero mukhang huli na ata. Yung dati na agad-agad mo akong nirereplyan kapag nagtetext ako, nagrereact ka sa bawat GM ko, ngayon wala. Natitiis mo na akong hindi replyan, kung hindi pa ako magtetext sayo, hindi mo rin ako itetext. Sayo na mismo nanggaling na we're not working out the way you expected us to, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Ang hirap kasi, lalo na pa't never tayong nagkita samantalang dati gustong-gusto mo pa akong puntahan sa school namin. Gusto kita makita, kahit once lang. Makapagsorry man lanh ako sa iyo sa personal kasi hanggang ngayon ikaw pa rin eh, ikaw pa rin talaga.

Sa palagay ko oras na, oras na para iwan ko lahat ng ito. Wala rin kasing mangyayari sa akin kung ipagpapatuloy ko pa yung isang bagay na alam kong matagal nang tapos. Muli, patawad. Paalam.

Buhay puta
Posted On Tuesday, June 5, 2012 @ 5:39 AM by Anne | Comments To This Entry

Lahat ng bagay na nangyayari sa mundo ay may kadahilanan. Maputulan man kayo ng kuryente, manakawan ka, mapromote ka, makabili ka ng bagong kotse, lahat yan pinlano ng Panginoon at may dahilan siya kung bakit niya ipinatamasa ang mga bagay na iyan. Dumating ako sa punto sa buhay ko na muntikan kong makalimutan ang bagay na ako mismo ang nagpapangaral. Nagpariwara ako, nagpakatarantado, nagpakaputa. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng agos ng buhay. Gusto kong makaranas ng kaginhawaan, gusto kong makalasap ng masarap, kahit na minsan lang.

High school ako noon nung naranasan kong magmahal. Masarap, at masakit. Noon, nangako ako sa sarili ko na hindi ako magpapaalipin sapag-ibig, pero isang lalaki lang pala ang magpapakain sa'kin ng lahat ng pangako ko, si Andrew. Akala ko siya yung lalaking handang magparamdam sayo kung gano ka niya kamahal nang walang hinihiling na kapalit, siya yung lalaking handang magpakababa ng pride para sa'yo, at siya yung lalaking handa kang alagaan kahit anong mangyari.

Hindi ako yung tipo ng babae na kapansin-pansin. Katamtamang kulay ng balat, hindi ganoong katangkaran, buhaghag na buhok, may salaming makapal, at hindi panay kolorete ang mukha. Kaya namang laking gulat ko, at lahat ng tao sa eskwelahan namin noong pansinin ako ng isang Mike Andrew Cruz. Kaklase ko siya mula nung nasa unang taon ako ng high school hanggang sa huling taon ko.

"Hi. Pwede ba akong maupo dito?" Sabi niya sa akin noon. Itong simpleng pag-uusap namin, hindi ko inaasahang magiging simula ng isang matinding samahan.

"Oo naman. Hindi ko naman pag-aari yang upuang iyan para pagbawalan ka."

"Sige, salamat ah. Ako pala si Andrew, ikaw?"

"Alam ko, at kilala kita. Mich pala."

"Ah. Bago ka lang ba dito?"

"Hindi. Dito ako nag-aral simula Nursery."

"Oh? Bakit ngayon lang kita nakita? Bakit hindi kita napapansin dati?"

"Kasi hindi ikaw yung tipo ng tao na nakakapansin ng kung sino-sino."

Magsasalita pa sana siya nun, pero pumasok na yung teacher namin. Gusto ko siyang iwasan at huwag nang kausapin kasi alam kong hindi magiging maganda yung maidudulot nito sa akin.

Hindi nga ako nagkamali.

Isang linggo na kami magkatabi ni Andrew, at isang linggo na rin ako pinuputakte at pinepeste nung mga babaeng kaklase namin. Makipagpalit daw ako ng upuan sa kanila kesyo hindi naman ako bagay matabi sa isang Mike Andrew, anong gayuma daw yung ginamit ko sa kanya at biglang pinansin niya ang isang tulad ko, at nasabihan na rin ako ng mangkukulam, malandi at puta. Tanggap ko naman eh, ganyan ang mga tao. Makuha mo lang yung mga bagay na gusto nila, puro panglalait na ang ibabato nila sa'yo kahit hindi ka naman nila kilala.

Hindi ko nalang sila pinansin. Pero sabi nga, kapag lalo mong hindi pinapansin ang tao, lalo silang nagpapapasnsin sa'yo. Nagsimula na sila sa panghaharass sa'kin. Pasimpleng idinadapa, tatapunan ng kung anong iniinom nila, pagkuha at pagtago ng mga gamit ko, paglalagay ng bag ko sa basurahan, pagsira ng mga damit ko sa lokcer, at pagkakalat ng kung ano-anong tsismis. Kung dati ako si Mich na hindi kapansin-pansin ng kahit sino, ngayon kilala na ako bilang Si Mich, ang malanding puta.

Nagkibit-balikat nalang ako sa mga akusasyon na ibinabato ng mga tao sa'kin. Murahin man nila ako, ipahiya man nila ako, wala akong paki sa kanila kasi hindi naman sila ang nagpapaaral at nagpapakain sa'kin. Yung mga kaibigan kong nabibilang gamit ang isang kamay, nawala na rin silang lahat. Hindi ko naman sila masisisi eh. Natatakot silang sumama sa isang putang katulad ko at baka mapagsabihan din sila ng ganoon.

May isang beses na doon ako sa may puno ng mangga sa bodega sa likuran ng aming paaralan kumain. Doon kasi, tahimik, payapa, at hindi pinupuntahan ng mga kamag-aral ko. Hindi ko namalayan, nagsimula na palang tumulo ang mga luha ko. Kahit na sabihin kong wala akong pakielam, kahit na ilang beses akong magtapang-tapangan, tao pa rin naman ako, marunong masaktan.

"Ito oh, panyo."

Nagulat ako nung sinabi niya yun. Sa dami naman ng taong makakakita sa'kin, bakit kailangan siya pa? Hindi ko kailangan ng mga taon katulad niya.

"Mich, pasensya ka na. Hindi ko alam na umabot na pala sa ganito yung ginagawa nila sa'yo. Kung alam ko lang na sasaktan ka pala nila, sana pala hindi na kita kinausap noon. Gusto ko lang naman ng kaibigan eh. Gusto ko lang ng tao na iintindi sa akin. Yung mga kaibigan ko, pera at kasikatan lang naman habol sakin eh, alam ko yun. Kaya nung kinausap kita at parang ayaw mo akong pansinin, alam mo ba imbis na mainis ako sa'yo nun, natuwa pa ako. Sabi ko sa sarili ko na pipilitin kong kaibiganin ka kasi hindi ka tulad ng iba. Kaya pinipilit kitang kausapin nun. Ang galing nga nilang magtago eh, ang dami na nilang kasalanang ginawa sa'yo, ngayon ko lang nalaman. Pasensya na talaga Mich. Kung hindi mo na kaya, sabihin mo lang, ako bahala sa'yo, poprotektahan kita."

Nagulat ako sa mga sinabi niya noon, at mas nagulat ako sa ginawa niya pagkatapos. Niyakap niya ako. Isang yakap na punong-puno ng pagmamahal. Naramdaman ko sa yakap niyang iyon ang kaligtasan. Yumakap ako pabalik.

Naging mabait sa'kin si Andrew. Yung mga pangakong sinabi niya sa'kin, tinupad niya. Araw-araw niya akong sinasamahan, ipinagtatanggol niya rin ako sa mga umaapi sa'kin. Sinabi niya rin na isa pang beses na may gumawa sa'kin ng masama, hindi na daw siya makakapagpigil. Simula noon, hindi na ako inaway ng mga kamag-aral ko. Akala ko kapag natapos na ang lahat, iiwan na niya ako, pero hindi niya ginawa. Patuloy niya pa rin akong inaalagaan.

Matagal na rin nung naging ganito kami kalapit sa isa't-isa. Hindi ko nalang namalayan na bumibilis na pala yung tibok ng puso ko habang magkasama kami. Mahal ko na ata, sabi ko sa sarili ko. Hindi pwede, hindi ako pwedeng magpatalo sa pag-ibig, ayokong mangyari sa'kin yung nangyari kay Mama.

Disyembre nung sinabi sa'kin ni Andrew na mahal na daw niya ako, at tinanong niya kung pwede ba daw siyang manligaw.

"Andrew, bakit? Alam mo namang ayoko. Tsaka ayoko itaya yung pagkakaibigan natin."

"Mich, higit sa pagkakaibigan yung gusto ko. Mahal kita, mahal na mahal. Hayaan mong patunayan na iba ako. Hihintayin ko, kahit gano pa 'yan katagal."

Enero, Pebrero, Marso. Tatlong buwan. Tatlong buwan niya ako sinuyo, at tatlong buwan siyang matiyagang naghintay. Napakadamot ko para hindi siya pagbigyan, aminado ako, sa tatlong buwang iyon, tuluyan na akong nahulog sa kanya. Hindi ko na patatagalin pa.

Sinagot ko siya noong araw ng graduation namin. Kami na ata yung pinakamasaya noong araw na iyon. Ipinakilala niya ako sa magulang niya, pero hindi ko pa siya kayang ipakilala kay Mama, naiintindihan naman daw niya ako..

Kolehiyo. Apat na buwan na kami ni Andrew at niyaya niya akong magmall. Masaya ako kapag kasama ko siya, masayang-masaya. Pero yung kasiyahan ko nun, naputol nung nakita ko yung taong ayaw kong makakita sa'min habang magkasama kami. Wala na ring silbi ang paghihiwalay namin ng kamay kasi nakita na niya.

Nakita na ni Mama na may kasintahan ako.

Kinaladkad niya ako pauwi ng bahay namin, at galit na galit sa'kin si Mama. Napakabata ko pa raw para magkaroon ng kasintahan, baka lokohin lang daw ako ni Andrew. Alam kong takot lang siyang masaktan ako, at takot lang siyang magaya ako sa kanya. Pero iba si Andrew.

"Ma, mahal ako ni Andrew, at mahal ko rin siya. Alam kong hindi siya katulad ng lalaking nakabuntis sa inyo, at alam kong hindi ko gagawin ang pagkakamaling nagawa mo noon."

Nasampal ako ng malakas ni Mama. Nagulat siya sa ginawa niya, humingi siya ng tawad, ngunit hindi ko pinakinggan. Naglayas ako ng bahay namin, at dumiretso ako kina Andrew.

"Andrew? Andrew?"

"Ate, pakipagbuksan nga ng gate si Mich." Aniya sa katulong nila.

"O Mich, iha, bakit ka umiiyak?"

Nang marinig iyon ni Andrew, dali-dali siyang lumabas, at niyakap ako.

"Shh. Mich, tama na. Nandito naman ako eh. Tara pasok na muna tayo."

Habang dinadala niya ako sa taas, patuloy pa rin ako sa paghikbi. Nasaktan ako ng sobra. Pinipilit niya akong hiwalayan si Andrew, hindi ko kaya. Si Andrew yung kaligayahan ko, siya yung buhay ko.

"Mich, dito ka nalang muna. Wala naman sila Mama tsaka Papa ngayon eh."

Sabi niya sa'kin gamit ang boses niyang napakalambing. Pinaupo niya ako dun sa kama niya at lumabas siya para kumuha ng tubig. Noong mahimasmasan na ako, niyakap niya ako.

"Mich, mahal na mahal kita."

"Alam ko, mahal din kita."

Naramdaman ko nalang na hinalikan niya yung buhok ko, yung pisngi ko, hanggang sa umabot na siya sa labi ko. Nung una, nagulat ako pero hindi akong nagdalawang-isip na halikan siya pabalik. Inihiga niya ako, at tinanggalan ng damit. Hinaplos niya ang bawat parte ng katawan ko pero hindi ako lumaban. Mahal ko siya, at alam kong ayos lang. Noong gabing yung, ibinigay ko ang lahat ko sa kanya. Alam kong sa kanya na ako, at sa'kin lang siya.

Ilang buwan na rin ng makalipas ang pangyayaring iyon, ilang buwan na rin akong nakatira kila Andrew. Hindi ko pa kayang umuwi sa bahay, natatakot pa akong humarap kay Mama, at natatakot ako sa mga sasabihin niya sa'kin.

"Mich, okay ka lang? Ang tamlay mo ata."

"Naisip ko lang si Mama--"

Dali-dali akong tumakbo sa CR. Nasusuka ako. Hindi na ito yung unang beses na nagyari sa'kin 'to. May sakit kaya ako?

"Mich! Ano sama ka?"

"Hindi muna siguro Gayle, ang sama ng pakiramdam ko eh."

"Friend, nagsusuka ka pa rin ba?"

"Oo eh."

"Friend, itatanong ko lang, delayed ka ba?"

"Delayed ng ano?"

"Yung alam mo na, yung... menstruation mo."

Napaisip ako. Napaupo ako sa kinalalagyan ko, at nagsimula ng umiyak.

Bumili si Gayle nung PT at sinubukan ko rin kaagad. Noong una, nagbabakasakali kaming baka nagkamali lang kami ng naisip. Pero hindi eh. Dalawang guhit talaga yung lumabas. Nag-iiiyak ako nung mga panahong yun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at pano ko sasabihin kay Andrew, pati kay Mama.

Ilang linggo na, pero hindi ko pa rin sinasabi kay Andrew. Ilang linggo na rin siyang nanlalamig sa'kin. Bihira niya akong kibuin, lagi siyang wala sa sarili kapag nasa bahay kami, nasasaktan ako.

"Andrew, may sasabihin ako."

"Mich, pwedeng ako muna? Hindi ko na rin kasi kaya eh. May dapat kang malaman."

Bigla akong kinabahan.

"Next week, aalis na ako papuntang US."

Nagsimula nang gumuho yung mundo ko. Ang sakit-sakit.

"Shh, Mich 'wag kang umiyak, please. Nasasaktan ako."

"Andrew, kapag sinabi ko ba sayong buntis ako, hindi ka tutuloy sa US?"

Ilang minuto siyang hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Ganun na ba ako kadesperada? Hindi. Ganun ko lang talaga siya kamahal at hindi ko kayang mawala siya sa'kin.

"Mich, huwag kang magbiro ng ganyan. Hindi talaga pwedeng hindi ako umalis."

Akala ko maniniwala siya, kahit konti lang.

Dumating yung araw ng alis niya, at hindi ko na nasabi sa kanya yung totoo. Galit na galit si Gayle sa kanya. Hindi ko siya masisisi, pero ayokong magalit siya. Kasalanan ko rin naman eh. Pinilit kong bumalik kay Mama, pumasok ako sa bahay namin pero hindi kanais-nais yung nakita ko. Hindi ko alam, hindi dapat ako mainis, nagawa ko na rin naman yan eh pero feeling ko tinakwil ako. Nakita ko si Mama, nakikipagtalik sa iba.

Isinilang ko ang anak ko ng hindi alam ng nanay ko at ni Andrew. Si Gayle at ang mama niya yung naging kasama ko. Ayaw nga ako pakawalan ng mama ni Gayle eh. Sabi niya mas mabuti pa raw na dun muna ako sa kanila, at sagot na niya muna lahat ng kailangan naming ng anak ko. Kahit na gusto ko yun, nahihiya naman ako. Konting pilit pa niya, bumigay din ako. Napagdesisyunan nalang namin na dun muna sa kanila titira si Mikel, at kukunin ko nalang kapag may nahanap akong trabaho.

Dalawang araw, pero wala pa rin. Alam ko naman imposibleng mabilisang makahanap ng trabaho ang mga undergrad na tulad ko, pero hindi ako susuko.

"Miss, napansin ko lang ah, pero gusto mo ba ng trabaho?"

"Anong klaseng trabaho po ba 'yun?"

"Simple lang naman eh. Kitain mo ako dito mamayang alas sais."

Trabaho. Hindi na ako nagdalawang-isip sa trabahong nais niyang ibigay sa'kin. Para sa anak ko, para sa kinabukasan namin. Alas sais, dumiretso ako dun sa plaza na pinagkasunduan namin. Sinama niya ako sa isang eskinita na hindi kalayuan at pumasok sa isang gusaling hindi kalakihan. Inabutan niya ako ng damit na susuotin ko raw. Ano ba 'tong pinasok ko?

Labag man sa kalooban ko, sinuot ko pa rin. Gawa sa mainipis at halos see-through na tela yung damit na ipinasuot sakin. Kaya kahit may telang nakabalot sa kakapirangot lang na kapiraso ng katawan ko, pakiramdam ko, hubad pa rin ako. Pinalabas na ako sa isang kwartong punong-puno ng kalalakihan.

"Dun ka sa table na iyon."

Tinuro niya yung lamesa na may limang lalaking nakaupo. Kinakabahan ako, pero para sa anak ko ang lahat ng ito. Andrew, patawarin mo ako.

--

Anak, pagpasensyahan mo na kung ganito yung ikinabubuhay natin ah? Kapag nakapag-ipon ako anak, pangako, mag-aaral ako at makakahanap ako ng disenteng trabaho. 'Wag mo sana ikahiya ang mama mo anak, mahal na mahal kita.

Mama, patawarin niyo ho ako. Siguro kung nakinig ako sa inyo at hindi nagpariwara, hindi sana ganito ang buhay ko ngayon. Mama, sana sinabi mo sa'kin, sinabi mo na may sakit ka pala para bumalik ako sa'tin kahit minsan, sana rin nasabi at naipakita ko sa'yo yung apo mo. Ma, mahal na mahal kita, tandaan mo yan. Sobrang nagsisisi ako sa lahat ng ginawa kong katarantaduhan.

Andrew, ilang taon na rin yung nakalipas, pero ikaw pa rin yung mahal ko. Alam mo bang bumibisita pa rin ako sa inyo, umaasang magpapadala ka ng sulat para sa'kin, pero kahit isa, wala. Ang sakit-sakit. Akala ko ba mahal mo ako? Pano yung anak natin Andrew? Wala siyang makikilalang ama habang papalaki siya. Andrew, sana masamang panaginip lang ang lahat ng ito. Sana bigla akong magising at pagkagising ko nandun pa rin ako sa bisig mo.

Bigla kong naisip ang lahat ng ito ngayon, hindi ko alam kung anong meron. Hala, yung make-up ko, kumakalat na.

"Mich, dalian mo, hinihintay ka na nila sa labas."

"Oo, eto na."

Kahit halos apat na taon ko nang trabaho 'to, hindi ko pa rin magawang masanay. Sa bawat paghipo at bawat paghalik sa'kin ng kung sino-sinong lalaki, sumasakit yung puso ko. Mali, maling-mali. Pero sa hirap ng buhay, wala na akong pagpipilian pa. Gusto kong lumaki ng masaya at maginhawa ang buhay ng anak ko. Umaasa rin ako na kahit sa ganitong trabaho, makakahanap ako ng lalaking mamahalin ako, higit pa sa pagmamahal sa'kin ni Andrew. Ang dami kong gusto sa buhay, pero hindi ko alam kung magkakatotoo at kung maikakasakatuparan ko ang lahat ng ito.

"Dun sa table na 'yun oh."

Kawawa naman yung lalaki. Ang lungkot-lungkot niya. Akala ko pasan ko na yung daigdig, pero meron pa palang mas mukhang nahihirapan kaysa sa'kin. Nilapitan ko siya, at sa paglapit ko na yun, hindi ko inaasahang makakakita ako ng isang pamilyar na mukha.

"Andrew?" / "Mich?"

comments powered by Disqus